I Son of Gaea: Something Special, Someone Special

Monday, November 9, 2009

Something Special, Someone Special

Andito na naman ako sa Starbucks sa dorm na inuuwian ko dito sa Manila. Nagboblog habang pinagsisisihan kung bakit malamig at hindi maiinit na kape ang ininom ko. Bakit na naman ba? Saan na naman ba ako nanggaling?

Kaninang umaga nga ay nagsimba nga ako sa may Megamall bandang 9:00 AM. Tapos dumiretso na sa Boni para bisitahin ang Le Sure Girls. Yung imimeet ko sana biglang nag-change of plans. Next time na lang daw muna. Kaya sinamahan ko na lang sa Megamall ang isang Le Sure Girl para bumili ng plane ticket para maka-uwi sa December. Inilibre niya ako sa Sbarro. Yey! Yum! Hinatid ko siya ulit sa Boni. Nakwento ko sa Le Sure Girls ang mga weekend activities ko kaya pinapauwi na nila ako para makatulog na raw. Sabi ko sa kanila manlalalake muna ako bago matulog kasi nabitin ako kahapon.

Kaya ayun, pagkauwi ko sa dorm, naghanap nga ako. Buti na lang at merong walking distance lang. Sa may Corinthian Executive Regency sa may Ortigas Ave. Konting lakad lang mula sa dorm ko sa may Julia Vargas. Binigay sakin ang unit number. Diretso na lang daw ako dun.

Paakyat na ako ng elevator. Walang malinaw na picture online yung pinuntahan ko kaya expect the unexpected na lang. Narating ko na floor niya. Nasa harap lang pala unit niya sa mga elevator. Knock. Knock. Pinagbukan niya ako. Ayus lang naman pala itsura niya.

Kunyari dumaan ito sa MTRCB at dito yung portion na kelangan tanggalin dahil medyo hindi dapat andito. LOL. Ayun, continue...

Dahil adik sa kiss, nagtanong na naman ako, "hindi ka ba nagkikiss". Sabi naman, sa boyfriend niya lang daw siya magkikiss. Hindi na lang ako nagpumilit dahil hindi naman siya kasing cute nung Lullaby Guy. Marami talaga sila na ganun. Parang nakareserve kiss nila sa special someone nila.

Ayun. Nung natapos na, nagpaalam na ako at umuwi na ng dorm para sundin ang sabi ng Le Sure Girls. Matulog na nga raw muna. Pero teka muna. Blog muna. Kaya nga andito ako ngayon, nagsisisi kung bakit malamig na kape samantalang may mainit naman sana. Ang daming Koreano dito ngayon. Hindi ko sila maintindihan.





Kung ibinigay ko na sa kanila ang lahat, ano na lang ang matitira para sa kanya?





09 August 2009
Nasa Manila siya pansamantala nun. Nasa Makati Shangri-la na naman siya as usual. 2017 daw sabi niya. "They always put me on 17." Kaya ayun. To room 2017 ang punta ko.

Paakyat na ako sa elevator. Iniisip ko nun kung may nagbago ba sa kanya. Kung may nagbago ba sa akin. Kung may nagbago ba sa aming dalawa. Hanggang sa nakarating na nga ako sa 20th floor. Diretso na ako sa 2017. Kumatok.

Pinagbuksan niya ako. Binigay ko sa kanya ang daladala kong mga bulaklak. Yeah, I brought him flowers. Tapos nakalimutan ko na mga pinag-iiisip ko sa elevator.





Especially for you,
Boying Opaw

2 comments:

kuri said...

uy salamat sa pagbisita! gudluck sa mga "escapade"!heheh,

Mr. Scheez said...

flowers? romantiko ka pala? hehehe =)