I Son of Gaea: Laro

Monday, February 28, 2011

Laro

Manunuod kami ng sine nun sa may Greenbelt 3. Hindi pa magsisimula ang pelikula kaya tumambay muna kami sa may Starbucks sa baba. Wala kami magawa kaya, hiniram niya ang device ko at naglaro siya. Wala ako malaro kasi nasa kanya ang device ko, kaya kinuha ko ang sa kanya at nitanong ko siya, "pwede ko ba 'tong laruin?"

"Oo naman," sabi niya.

Naging adik ang utak ko at naisipan kong tanungin siya, "ano pang pwede kong laruin sa iyo?", sabay tingin sa kanya at ngisi ng makahulugan.

Sinakyan niya naman ang topak ko at sumagot siya, "lahat!"

Biglang pumasok sa isip ko at sinabi ko sa kanya, "Hindi lahat pwedeng paglaruan ah. Ito hindi pwedeng paglaruan.", sabay turo sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Keso. Hehehehehe.





-- Boying

3 comments:

Kane said...

Boyingggggggggg! Keso ka!!! Naloka ako sa sinulat mo. Hahahaahaa you're sooo ... you're soooo cheesyyyyyyyyyyyy. Parang high school girl ka lang. Hahahaha.

Kane

john stanley said...

wow, si boying nanunood na ng sine ng may kasama! seryoso na talaga 'to!

drew said...

Ikaw gyud bai ha!!